Huwebes, Nobyembre 1, 2012

Rising Force

Okay. First time ko magupload ng picture at ipagsigawan sa mundo na: NAGLALARO AKO NG RISING FORCE ONLINE. At mag-iisang taon na ako.

Opo, babaeng player ako. Opo, bata pa ako. Opo, stupido po ako ;)

Third year pa lang ako nung simula akong ma-addict dito. (def of addict: yung tipong late na natutulog kakalaro; addict na para sa akin 'yon). Hindi lang ako ang nakapansin na addict ako, pati yung mga tao sa paligid ko. Nung una, late lang ako natutulog pero kalaunan gumagastos na rin ako. Tapos nag-eedit na rin ako, symptom ng kaadict-an 'yon. Sa katunayan, pinapaquit na ako ng aking nanay.









Ganyan ako ka-addict.

Ngunit 'di mapagkakaila na hindi ako naguupload ng RF images sa facebook ko. Kasi ay'oko lang. Kasi matanong sila. Kasi nangengealam sila. 

Madami akong mga taong mababait na nakilala dito. Dito ko naramdamdaman na may karamay ako (pero paminsan lang). Dito ko nalaman kung anong mali sa sarili ko. Basta maraming memorya akong nagawa dito. At sa lahat ng mga bagay na ginawa ko sa buhay ko, masasabi kong  hindi ako nagkamaling mag-laro nito. Nagkandaleche-leche man buhay ko. Sa huli, minahal ko 'to at minahal rin niya akong pabalik. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento