Simula pa lang ng araw ko ay na-late na akong gumising. Akala ko magiging malas ako. Ang init pa noon. Inaapura ako ng nanay ko na magmadali ngunit kahit anong sabi niya wala akong balak na magbilis.
Una, tumingin ako sa kalangitan, napaisip ako na 'aba, uulan.' Lumabas ako. Mahangin at hindi maitatanggi na makulimlim ang kalangitan. Nakakagulat man sa lagay na ito'pagkat 'summer' ngayon at sunud-sunod na ang pinakamaiinit na temperatura sa bansang Pilipinas. Tinignan ko ang buong bahay na malapit na naming lilisanin. Mahigit sampung taon na rin akong naninirahan dito. At sa unang pagkakataon, naramdaman kong iisa lang kami. Kapansin-pansin ang lubas at lumang pintura. Bumalik sa aking munting alala ang mga panahon noong ako'y musmos pa lamang at naglalaro sa aming malaking bakuran. Tumatalon, tumatakbo, tumatawa, at higit sa lahat naniniwala sa misteryo na minsang bumulabog sa pinakamamahal kong tahanan. Naalala ko ang mga panahon na inaraw-araw ko ang pagpunta sa pinakadulong sulok ng aming bahay at kailangan mong kumatok sa isang mala-metal na kahon at sasabihin mo ang mga pinakainaasam mong mga bagay. Ngunit kailanman, niisa sa mga ito ang natupad. Nakakatuwang isipin na niisang araw na lumipas noon ay hindi ako tinamad at nagdalawang-isip kung babalikan ko ba ito. Hindi ko alam kung saan banda ito nahinto. Pero sa araw na ito, minabuti kong gawin ulit at mangarap sa isa pang pagkakataon. "Magiging okay ang lahat." Noong una kong narinig ang mga katagang 'yan sinabi kong baduy ito. Pero sa pagkakataong ito, nalaman ko ang tunay na pagkakahulugan nito. Na sa bawat problema, huwag tayong mawalan ng pagasa, dahil magiging okay lang ang lahat.
Nagdrama ako noong mga oras ng pagulan. Umupo ako sa gitna ng aming bakuran, nagpaambon, nagpaaulan. Sa panahon ng paglakas ng ulan, tumingin ako sa akin harap. Nakita ko ang pagkagandang hardin, punumpuno ng mga memoryang masasaya, malulungkot, o paminsan sadyang nakakayamot. Ginusto kong tumigil ang oras. Alalahanin ang bawat segundo. Sana hindi ito mawala kailanman. Ngunit tumatakbo ang oras. Hindi na maibabalik. Sumayaw ka na lang sa ulan. Hindi ko matanggap ang katotohanan, na dumating na nga ang oras na kinailangan ko nang lumisan sa lugar kung saan halos kalahati ng buhay ko dito ako namayani. Inaasahan man namin at hinihintay bawat araw, ngunit masakit pala. Masakit iwan ang isang bagay na napakahalaga sayo. Yumuko ako. Tinitigan ang sahig na baku-bako. Hinintay kong mapuno ng tubig ang maliit na butas, sa ikatlong pagkakataon bumalik nanaman ang mga alaala ko na tuwing naliligo ako sa ulan noong bata pa ako ay uupo ako sa sahig, titigan ang maliit na butas na magpahanggang ngayon ay nariyan parin at magtataka, lilipad ang aking isipan sa malawak na lugar ng imahinasyon.. inisip ko na kung paano ay may kakayahan akong lumiit, masaya siguro, maaari akong lumangoy dito. Ngunit pagkalalim at baka ako'y malunod. Sa bawat patak ng ulan, unti-unting lumalalim. Hindi inaasahan kung saan ka aanurin, iiwanan ng pagkakataon. Masasayang ang pagkakataon. Nalungkot ako, kaya tumingin na lang ako sa langit, pumikit ng sandali at namulat. Tumingin ulit ako sa aking harapan. Nakita ko ang pagiba ng kulay nito. Natutunan ko na kung anong kulay ang naipakilala sa atin ng ibang tao, dito mo ibabase at ito na rin ang maaring tingin natin sa kanila. Sabi nga nila, don't judge a book by its cover. (Maaring hindi mo ako magets sa part na to). Sa bawat pagtingin natin sa mga bagay, maaring hindi mo ito pansinin sa una. Pero kung tititigan mo talaga ito at hihinto ng isang mahabang segundo, makakakuha ka ng mga aral. Palawakin natin ang ating utak. Ang bawat pagkakataon ay hindi na maibabalik. Huwag natin itong aksayahin at balewalain. Ika-nga ng mga Robinsons, "keep moving forward." Pero sa mga sandaling ito naramdaman kong nag-iisa lang ako, iisa lang kami, hindi dahil lonely is not a feeling when you're alone but a feeling when no one cares pero dahil kahit sa maikling sandaling iyon naramdaman kong may nagmamahal sa akin.
dumating nga pala si Feebee nito at sinira ang momentum ko. alam kong amatuer. :)) pati sila Bon at Jep nandito din niyan. Kaya lalo pang nasira :)) AHAHAHA!
Sinong di mapapasayaw sa ulaaaaaaaaan~ Sinong di mababaliw sa ulaaaaaaaaaaaaaan~
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento